ni Jonabel Cabasal
Tatay, Daddy, Tatang,Itay, Papa, Amang kung atin silang tawagin
Kaakibat ni Ina sa pagpapalaki at pagpatnubay sa atin.
Kalugud-lugod isipin kung paano itinaguyod ang ating kabuhayan
At lagi pa ring nakangiti kahit may mga suliraning pinapasan.
Ama, isa sa mga taong aming hinahangaan
Naging modelo sa mga magagandang kaugalian
Na siya namang isa sa mga dahilan
Para tawagin silang mga “huwaran”.
Salamat sa kanila sa pagiging responsableng katuwang ni Ina
Lubos kaming nagpapasalamat sa ating Dakilang may Likha
Napakapalad nami’y sapagkat kayo’y napakabuti
Ginawa ang lahat para lang mga kailangan nami’y maibigay o mabili.
Pagsasakripisyo ninyo’y di lubos matutumbasan
Ipinakita ninyo ang kahulugan na kayo’y “haligi ng tahanan”
May mga Ama na napalayo sa kanilang mga pamilya
Nangibang-bansa alang-alang sa mga pangarap para sa mga anak nila.
Ang pagtaguyod sa aming mga pangangailangan ay kahanga-hanga
Laging sa ami’y ipinapaalala “Anak, ang edukasyon ay napakahalaga
Bigyang-importansiya para di kayo sa ami’y ng inyong ina magaya.”
Walang ibang hinangad kundi ang maging masaya at matagumpay sa tuwina.
Saludo kami sa lahat ng mga kabutihang ipinakita sa amin
Kaya naman kahit ano pa ang iba’y sabihin
Ama, iniidolo kayo sa pagiging bayani sa buhay namin
Ang tulang ito’y nabuo dahil pag-ibig niyo na kaysarap damhin.
Tanging hangad at dalangin ay ang kayo’y magkaroon pa ng mahabang buhay
Nang kayo rin ay mapagsilbihan at sukli sa mga pagtitiis niyo ay maibigay
Kayo’y sa aming mga buhay ay sadyang mahalaga
Maligayang Araw ng Mga Ama sa Lahat ng Mga Ama!