Patnubay at plano para sa mga mag-aaral sa pasukan 2020-21.
Pangkalahatang-ideya
Sapilitan na paghihigpit – Sa buong lalawigan – Simula Nobyembre 30
Mag-aaral sa Baitang 7-12
• Lilipat ng pag-aaral sa bahay “at-home learning” mula Nobyembre 30 hanggang Enero 8, maliban sa panahon ng taglamig*
• Ipagpatuloy ang mga personal na klase sa Enero 11
• Ang mga pagsusulit sa diploma ay opsyonal para sa natitirang taon ng pag-aaral. Ang mga mag-aaral at ang kanilang pamilya ay maaaring mamili kung magsulat ng isang pagsusulit o tatanggap ng isang exemption para sa pagsusulit sa Enero, Abril, Hunyo at Agosto 2021.
Mag-aaral sa Baitang K-6
• Kasama dito ang Early Childhood Services
• Ipagpatuloy ang pag-aaral nang personal hanggang sa kanilang nakaiskedyul na pahinga sa taglamig (pangkalahatan Disyembre 18 *)
• Lumipat sa pag-aaral sa bahay pagkatapos ng taglamig na pahinga hanggang Enero 8
• Ipagpatuloy ang mga personal na klase sa Enero 11
* Ang mga paaralan ay may iba’t ibang mga iskedyul ng pahinga sa taglamig, suriin ang mga detalye sa iyong paaralan.
Pagsuporta sa mga mag-aaral na may mga kapansanan at sa mga outreach na programa
Lahat ng mga mag-aaral na may mga kapansanan na nangangailangan ng suporta at mga serbisyo sa anumang baitang na ang mga pangangailangan ay hindi matugunan sa pamamagitan ng pag-aaral sa bahay at ang mga magaaral sa outreach programs ay maaaring magpatuloy na makatanggap ng mga suporta at serbisyo nang personal sa paaralan, anuman ang mga pagbabago sa pag-aaral sa bahay bago at pagkatapos ng pahinga sa taglamig.
• Ang exemption na ito para sa personal na pag-aaral ay batay sa payo ng Punong Medikal na Opisyal ng Kalusugan.
• Sa konsultasyon ng mga magulang, inaasahang magpapatuloy ang mga paaralan sa pagbibigay sa mga mag-aaral ng may kapansanan ng mga serbisyo at suporta na kailangan nila.
• Dapat magkasamang magtrabaho ang mga magulang, mga guro at punong-guro sa paaralan para sa naaangkop na kaayusan.
Mga kaayusan sa trabaho para sa mga tauhan ng paaralan
Ang mga local na awtoridad sa paaralan, bilang mga tagapag-empleyo, ay responsable na magdesisyon tungkol sa kawani ng paaralan kung patuloy na magtatrabaho sa paaralan o magtatrabaho mula sa bahay.
Ang mga desisyon at diskarte ng mga awtoridad ng paaralan ay patuloy na susunod sa mga hakbang sa Kalusugan at Kaligtasan sa Trabaho pati na rin ang mga hakbang sa kalusugan ng probinsya.