Filipinos Success’ Stories: Kaya Ko; Kaya Mo!
If I can; You surely can!
Every successful person is shaped not by the numbers of academic awards not by the praises and applauses; not even by the money amass. But by the faithful services he has rendered to the society. No successful businessman could ever tell that he became rich without the support of his employees. Workers are the the vital and integral parts of the business industry. The more workers doe a company have, the more commodities are produced; hence, more profit. And, in the last analysis, the more lives are sustained.
In Gande Praire, there is a successful Filipino Entrepreneur who excels in the field of construction. He, with the indefatigable support of his wife never ceases his journey in order to achieve his dream that has brought him where he is right now. Let’s listen to his story by starting from his humble beginning.
My Elusive Dream. I wanted to become a Doctor, nagsimula ang pangarap kong ito ng malaman ko na namatay ang aking ikalawang kapatid (Si Kuya Ferdinand), baby pa siya noon. Sinabi ko sa aking sarili na nais kong maging isang mangagamot upang makalagbigay lunas sa mga karamdaman at makapagligtas ng buhay.
Hurdles. Totoo nga, na sa bawat pangarap ay kailangang palaging may katumbas na kakayahan dahil napakaraming hadlang. Kinilala ko ang aking kahinaan. Entrance examination pa lamang ay hindi na ko nakapasa. Dumating ang point na hindi ko na alam ang gusto ko. Sinubukan ko rin ang ibang kurso. Subalit, lahat ng iyon ay hindi ko nalusutan: pagpapari, pagpupulis, pagsusundalo. Wala na, hindi ko na alam noon ang career path na tatahakin ko.
Kaya ang alternative goal ko noon ay umalis na lang ng Pilipinas para maging OFW. Hanapin ang sarili kung ano ba talaga ang mas nababagay sa akin. Ipinanalangin ko na gabayan ako ng Poong Maykapal na iangkop ang aking talento sa paparoonan ko. Tila baga ako’y isang lapis na ipinaubaya ko ang isusulat na kwento ayon sa Kamay na may hawak sa akin. Kailangan kong umangat sa buhay at nang mabigyan ko naman ang aking pamilya ng magandang buhay at nang maipagmalaki din nila ako.
Life Abroad. From Brunei to Taiwan—Taiwan to Canada. Lumabas ang aking mga potensyal sa ibayong-dagat. Kailangang gawin ko ang hindi ko dati ginawa. Tinuruan ako ng karanasan. Totoo nga na “Experience is the best teacher.” Kailangan kong ituloy ang buhay dahil wala sa katabi ko ang aking pamilya. Ang pangangalaga sa kalusugan ng katawan ang isa sa pinaka-pangunahing dapat tutukan ng pansin. Dahil ito ang behikulo upang hindi mabitawan ang anumang nais kong hawakan. Ang matalinong desisyon ay palaging nagmumula sa malusog na kaisipan at katawan. Bawal magkasakit dahil walang mag-aalaga at basta-basta magmamalasakit. Hindi lamang hanap-buhay ang dapat kong hanapin sa aking paglalakbay; kundi, higit sa lahat ay ang buhay na may katuturan. Iyan ang nakatanim sa aking isipan.
Struggles. Halos lahat na marahil ay naranasan ko: Ang lungkot sa pag-iisa at pagkawalay sa mga mahal ko sa buhay. Aking kinaya at nalampasan. Naatim ko ang lahat ng pang-aapi, pangmamaliit, at maging pananakit ng mga amo ko sa pabrika. Walang hindi nalampasan sa tulong at gabay ng pananalig sa Panginoon. Tiniis ko dahil Pinoy ako at may pamilya ako na umaasa sa Pilipinas. May nanay at tatay ako na gusto ko na maging proud sa akin balang araw; dahil sa pamilya namin, ako ang pinaka-pasaway noong bata pa ako. Mistulang wala akong pangarap sa buhay noon.
Entrance into the room of Success. Bago ko narating itong munting hanap-buhay naming mag asawa, nagsimula ako bilang tagatapon ng basura ng mga foreman at ka-trabaho ko sa Canada oilfield pipeline insulating.
March 21, 2013 nang dumating ako ako dito sa Canada. Three years akong naging helper. I became a permanent resident in 2017. I decided to moonlight and luckily being hired to another company. Sa oilfield pa din. This is where I started to discover my potential in line with what I really like doing. I got promoted from being a helper to 2nd Lead to a Filipino Foreman.
Outside my regular job description, I became a salesman of the company where I served. I used to go out and from there, I also found out that I love talking with people. I gained customers’ confidence and was able to close the deals.
My motivator and eye-opener. It was my mother-in-law who encouraged me to take the guts. Sinabi niya sa akin na meron pala naman akong kakayahang kumuha ng sariling project. Isa pang nagbukas ng bintana ng tagumpay sa akin ay kakilala kong consultant. He also gave me an idea of putting up my own company. Kase nga, ako naman daw halos lahat ang gumagawa: alam ko ang trabaho ng Foreman; ako din ang kumukuha ng project at mga manggagawa.
Sinubukan ko at naganap nga!
Pinoy tayo at walang hindi kayang gawin. Diskarte at lakas ng loob lang talaga ang puhunan. At syempre, dapat ay naregalohan ka din ng isang napakabuti at super supportive na asawa. Magkatuwang kami sa lahat ng bagay. Higit sa lahat ay ang sa pananalangin. Isinangguni at ipinagkatiwala naming mag-asawa sa Panginoon ang lahat naming gawain. At napaka-totoo, magkakasunod na biyaya ang aming natamo.
Upgrading and acquisition of new skills. Sinikap kong makabalik sa school upang paunlarin pa lalo ang aking kaalaman sa pipe insulating industry. Nag-enroll ako sa SAIT (Southern Alberta Institute of Technology). Bagama’t pwede naman magtayo ako ng ganitong hanap-buhay kahit hindi na magbalik sa paaralan. It was purely my own choice.
As far as I remember, i decided to come to this Country for a very simple reason. That is, to change my life. Nais kong mapagmalaki ako ng aking pamilya. It was my intense desire to serve the dream of my parents—that is, becoming a useful creature. Nais kong ipagmalaki ako ng aking nanay at tatay.
Unfortunately, namatay ang tatay ko na hindi niya nakita ang malaking pagbabagong ito sa aking buhay. Ang nagbago kong mga pananaw. Na, may kakayahan nga pala akong tugisin ang tagumpay upang maipamana na rin naming mag-asawa sa aming mga anak, mga kapatid, sa aking byenan, at sa nanay ko na siyang saksi sa patuloy kong pag-angat. Labis ngayon ang kasiyahan ni nanay, nakabawi na ako sa kaya, kahit wala na si tatay. Kay nanay ako babawi. Kakayahin kong ibigay sa kanya ang kaginhawahan at magandang buhay habang siya ay kapiling namin-Bilang ganti sa pagmamahal, paghihirap at pagaaruga niya sa aming magkakapatid noong kami ay bata pa.
Pieces of Advice to my younger self:
1. Diyos ang una sa lahat. Siya ang sanhi ng mabiyayang buhay at sandigan ng lahat ng tagumpay. Kung wala Siya, wala tayong magagawa. Huwag na huwag makakalimutan magpasalamat sa mga biyayang ating tinanggap. Gayundin naman, ibahagi natin sa kapwa ang ating tagumpay.
2. Pamilya ang pangalawa. Kahit anuman ang mangyari, huwag na huwag tatalikuran and pamilya.
3. Igalang ang mga magulang. Utang din natin sa kanila kung ano tayo ngayon.
4. Tuloy-tuloy ang buhay at tagumpay. Huwag mong hayaan na hadlangan ka ng ibang tao sa pangarap mo.
5. Huwag susuko sa laban ng buhay. Kapag may tiyaga, may nilaga.