Ang kawanggawa ay ang kusang-loob na pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan, bilang isang makataong gawain o wala ring hinihinging kapalit kundi salamat lang.
Ang pagbibigay ng tulong ay ang pagbabahagi ng salapi, mga kagamitan at pagkain, o panahon para sa mga kapus-palad, maaaring direkta o sa pamamagitan ng mga organisasyong gumagawa ng ganito. Ang pagbibigay ng tulong, bilang isang relihiyosong gawain o tungkulin, ay tinutukoy na pagbibigay ng limos. Ang salitang“charity” ay nagmula sa birtud ng karidad. Ang naghihirap, lalo na ang mga balo o ulila, at mga may sakit o may pinsala sa katawan, ay ang mga nararapat na tumatanggap ng tulong. Ang mga tao na hindi kayang suportahan ang kanilang mga sarili at may kakulangan sa suporta ay nagiging mga pulubi, direktang nangongolekta ng tulong mula sa mga estrangherong nakakasalubong sa publiko.
May ilang grupo na namamahagi sa ibang miyembro na mula sa kanilang grupo. Bagaman ang pagbibigay sa mga malalapit na tao ay minsang tinatawag na kawanggawa – ayon sa isang kasabihan “Ang pagkakawanggawa ay nagsisimula sa tahanan” – karaniwan, ang pagkakawanggawa ang nangangahulugang pagbabahagi sa mga hindi kakilala, ngunit may respeto sa magulang at mga kaugaliang tulad nito para masuportahan ang pamilya at mga kaibigan. Sa katunayan, ang pagtrato ng mga may kaugnayan sa nagbibigay na parang sila ay mga estranghero na nangangailangan ng tulong ay humantong sa isang tayutay na “as cold as charity”(sinlamig ng karidad) – nagbibigay para sa kanyang mga kamag-anak na parang sila ay mga estranghero, walang pagmamahal. (Source: Wikepedia)
Ang pinaghalawan ng Salitang Kawanggawa ayon kay Velasco
1. Kawan, Lupon, o Grupo
2. Kawang, agwat, distansya
3. Kawangis, Katulad, Kahawig, Kawangki
4. Gawa
Ang isang salita ay kalimitang nagmula sa pinagtagni-tagni o pinagsama-samang iba pang mga salita upang makabuo ng mga kahulugan o katuturan.
Mapapagmasdan sa aking tatlong magkakaibang salita sa itaas ang maaaring pinaghalawan o pinagmulan ng pinag-isang salita na kawanggawa. Na kung susuriing mabuti, ito ay ang gawain ng isang may magandang kalooban para sa kawan o grupo ng mga taong nangangailangan o dukha; o dili kaya naman ay ang gawain ng isang grupo o kawan para sa isang tao o grupo din ng mga taong kapus-palad o maralita.
Kawang, agwat, o distansya. Ipinatupad ang Social Distancing hindi upang paglayo-layuin ang kalooban nga mga tao; kundi upang ingatan sa pagkahawa sa sakit na maaaring dulot ng epidemya. Ito ang makabago g tanda ng pagmamahalan.
Kawangis o katulad. Larawan ang malagkawanggawa ng isang dakilang gawain na nararapat gayahin o gawing huwaran.
Sa panahong ito ng pandaigdigang krisis, kay sarap ipamahagi ng mga bagay na meron tayo. Ibigay natin sa kapwa nating dukha kung ano ang kanilang kailngan at hindi kung ano ang hindi na natin kailangan. Hustisya o makatarungan ang tawag natin sa ganyang gawain. Ang kawanggawa ay kailangan laging makatarungan upang maging tanda ng pagmamahalan.