Sa pagkakataon ng mga hindi inaasahang sakuna at kalamidad, meron agad tayong sinisisi!
Maaaring ito ay ang kawalan ng pakialam ng bawat-isa sa lipunan, mga pulitikong ang iniisip ay kung paano mananalo sa susunod na halalan, ang kakulangan ng suporta ng gobyerno sa mamamayan, at ang nakakarimarin, ay ang pagpaparusa na daw ng Diyos sa mga nabanggit na kadahilanan.
May dapat nga bang sisihin?
WALA! Dahil walang sinuman ang may kontrol sa Batas ng Kalikasan kundi ang mismong KALIKASAN.
Maging ang DIYOS na Lumikha ay hindi makikialam sa isang KALAYAAN na NAIPAGKALOOB na NIYA. Kung kaya, huwag nawang sisihin ang DIYOS sa ganitong kalagayan. Pumutok ang Bulkan dahil NATURE talaga nito ang mag-release ng sobrang init ng kalupaan. Yon ang papel ng pag-iral nito. Nakakatulong ang BULKAN sa pagsasaayos o pag-arrange ng Tectonic Plate of the Earth.
Sa katagalan kase ng pag-iral ng mundo o daigdig, natutunaw ng init sa ilalim ng lupa ang mga bato na siyang naghahawak sa ibabaw nito, at ang resulta, tumatagilid ang sangkalupaan dahil hindi na maayos ang pagkakasalansan ng layers nito.
At paano ito ibabalik sa dating ayos o kalagayan? Kailangang yanigin ang sangkalupaan sa pamamagitan ng pagsabog ng bulkan. Medyo, mukhang marahas nga lamang. Pero, ang epekto ay pangmatagalan. Hi
Lubhang malamig na Klima Canada: Ang Implikasyon at laman ng aking Imahinasyon
Batas din umano ng natura o kalikasan ang paglamig ng panahon. Kailangan nitong panatilihing matigas ang yelo sa mga kabundukan at buong kalupaan ng Canada at sa iba pang lugar na merong nyibe o snow. Kapag natunaw kase ang yelo dahil sa init ng panahon; eh tiyak na pagbaha naman ang kapalit. Hula ko lang ito mga ginigiliw kong mambabasa. Hindi po ako isang Scientist.
Sa punto de vista naman ng Kalikasan ng Tao: Masisisi mo ba siya?
Maging ang ating mga personal na desisyon ay di pinanghihimasukan ng Diyos. Ang Kalayaan natin ang nagpapasiya. Kung ano ang mangyari sa buhay niya; desisyon niya yon at hindi KALOOBAN ng DIYOS. PINAHINTULUTAN lamang ng Diyos ang nagaganap sa sarili nating buhay.
Bakit naman?
Kung ang Diyos ang masusunod sa lahat ng mga kaganapan, hindi na siya Diyos ng Kalayaan (Freewill). Titigil Siya sa Kanyang pagka-Diyos kapag siya ay naging Diktador! At kung ganyan ang Diyos, ayaw na natin ng Diyos!
Subalit hindi nga Siya ganun! Lumikha Siya at ng magkamali tayo ay umakto pa muli Siya bilang Manunubos. Natubos nga ang mga nais magpatubos at namatay ang mga tumanggi sa Kanyang Kalinga at Pag-ibig.
Dalawang Teorya sa mga SANHI ng KAGANAPAN:
- Proximate Cause – Sumabog ang bulkan. Ang Diyos ay Proximate Cause at ang BULKAN mismo ang Ultimate Cause. Wala na Siyang direktang panghihimasok sa kaganapan ng natura o kalikasan.
- Ultimate Cause – Ipinanganak tayo ng magulang natin. Ang Diyos ang Ultimate Cause. Siya ang Kadulu-duluhang Sanhi ng ating buhay. Ang ating mga magulang ang Proximate Cause sa pagiging tao natin.
Sino nga ba ang sino?
Dapat bang sisihin ang Diyos? Dapat bang sisihin ang sinuman dahil pumutok ang bulkan? Kasalanan ba nang magnanakaw na pulitiko, nang talamak na drug lords, nang gambling lords at addicts, nang walang habag na illegal loggers, nang mga loan sharks, at iba pang mala-demonyong tao sa lipunan?
Unawa mo na ba na ang Batas ay Batas? Kung kulang ang aking pagbabahagi, pakidagdagan para sa kaliwanagan ng ating isipan. Kung kagaya kita at sa isip mo ay may sumagi, iyo ring ibahagi.