I do not know how to start my new chapter. A new chapter of my life where it seems too empty yet full of new things. A life full of new dreams, new hopes, new promises and new people. New factors in my life that would affect my life and how I would live. As I walk through the crowd, deep in the blues, I bumped into a woman. A woman that seemed familiar. A familiar face that I think I have seen before. Right! She was the girl that was at the bar. The bartender that helped when I blacked out. The woman that gave me coffee to drink and a place to stay. The woman that made me feel different. Is this coincidence? Or is this fate? But wait, no, I am not ready yet. I am not ready to love again. I do not want to get hurt. But 3 years have already passed. Maybe I am ready. Maybe I am ready to love again. To let a stranger become a part of my life and my dreams. I do not know anymore. Maybe she is the one. Is she the one? Is this really coincidence? Or did fate just find a way to make us meet?
Magbilang Tayo, Tayo’y Maglaro (Tagalog)
Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, ikaw pa ang nasumpungan ko. Marahil, naaninag ko iyong kagandahan, ang ganda mong nakakasilaw. Wari ko ba’y isang bituin na sa kalangita’y nagniningning. Hindi ko maiwasang pansinin lalo na kapag ako’y nag-iisa’t nasa dilim.
Langit, na wari ko ba’y nasa itaas ka at ako ang nasa iyong paanan. Marahil nga ay di ka lamang may kagandahan, sa aking paningin ay konkretong larawan ka ng may isang pusong busilak at may kabaitan—kabaitan na nagsilbing bato-balani na sa puso ko ay humila papalapit sa’yo upang tuluyan madikit o mapatali.
Dahil sa puso mong kay tamis, pakiwari ko’y nagmistula akong langgam na sa piling mo ay di na makaalis. Lumisan man ako’y panandalian lamang; dahil walang dahilang upang hindi ka balik balikan.
Ngiti mo pa lamang ay may kalakip ng mebsahe at pagbati, mga labi mong hugis puso, na nay kinang na para bagang dyamante at perlas; nagsasabing kailangang ibigin ng wagas.
Titigan ka’y walang nasasayang na oras; dahil kamay ng orasan ay humihinto kapag ikaw ang kaharap. Sa iyong mga mata, lubos akong nahalina; wari ko ba ay bintana ng malinis na katauhan na kay sarap pakisamahan hanggang sa dulo ng walang hanggan. Nakakaakit sa ganda. Sa iyo namang buhok: Ang haba nito ay isang sagisag ng panahon—Kasing-haba rin ng pagmamahal kong sa’yo ay aking iaalay o iaalok.
Subalit, ngayo’y nasaan ka aking sinta? Lahat ng nakita ko’y tila baga naglaho na. Ako ba ang may sala?
Mahal, paumanhin. Pasensiya na dahil nasaktan kita. Pasensya na dahil ang tanga-tanga ko. Pasensya dahil sa nagawa kong panloloko. Pasensya ka na dahil ginawa ko lahat ng ayaw mo. Pasensiya ka na dahil sa akin ikaw ay namighati at nagdusa.
Magbilang kaya tayo: Muling maglaro at balikan ang alaala ng ating kabataan. Ako ang taya. Magtago ka at hahanapin kita! Tumakbo ka at hahabulin kita!
Isa, ako’y pagod na. Ako’y pagod na upang habulin ka. Nakakapagod din nga pala ang paghahabol sa mga gusto at ayaw mo. Ako’y pagod na sa bawat pagtutulak mo at patukoy mong pagtakbo. Naguluhan tuloy ako: Di ko na alam kung mahal mo pa ba ako o minahal mo nga lang ako.
Pangalawa, tayo’y magtaguan, pero sandali. Ako ba ang taya o ang nawawala? Dahil sa mga panahong ito, di ko na alam kung sino ang taya at kung sino ang nawawala. Di ko na alam kung ako pa ba ang magtatago o ako ba ang maghahanap sayo. Dahil kung ako ang nawawala, ako’y kaagad mong mahahanap. Dahil hanggang ngayon di ko pa din alam kung saan ako magtatago, sa ilalim ba ng mga puno o sa kaibuturan ng iyong puso. At kung ako ang taya, ako’y talo na. Dahil aabutin ako ng gabi para hanapin ka. Pero sandali, sa larong ito ka lang ba nawawala o ika’y tuluyan ng nawala. Nawala dahil nagbago ka o nawala dahil may mahal ka ng iba?
Pangatlo, tayo’y magtumbang preso. Sandali, kukunin ko lang ang aking tsinelas upang maipambato ko sa latang iyong binabantayan. Na tila’y ayaw mong matalo sa larong ito. Di ba malinaw sa’yo, na sa anumang laro ay may talo at panalo?
Pang-apat, tara, mag patintero tayo. Sige ako na muna yung taya at ikaw muna ang dadaan. Sige na dumaan ka na. Ang hirap mo palang hulihin dahil kala ko mahuhuli na kita pero di pala. Akala ko sakin ka na pero di pala. Akala ko iyun na, pero di pala. At akala ko ikaw na… pero hindi pala. Isang linya lang ang aking pwedeng madaanan dahil ang dami kong limitasyon pagdating sayo. Mahal, pasensya dahil di ko na alam kung ano yung gagawin ko.
Panglima, tara tayo’y mag langit-lupa. Tayo’y maglangit-lupa kung saan ikaw ang langit at ako ang lupa. Sa bagay, lagi naman akong nasa ibaba. Nasa ibaba dahil mas nakatataas ka sakin. Dahil ikaw na, mayroon ka na ng lahat, ng mga bagay na inaasam ng bawat tao sa mundo. At ako na ang lupa. Ang lupa na tinatapak – tapakan ng bawat tao sa mundo. Masakit pero kakayanin ko. Mahirap pero hindi muna susuko.
Pang-anim, tayo’y mag hari-harian at tayo’y magreyna-reynahan, kung saan, ako ang hari at ikaw ang reyna, ikaw ang bibihag sa puso ko at sasabihing, “mahal kita”, sa pamamagitan ng iyong labi. Ng iyong labi na napakatamis at napakakintab. Ang labi mong malambot at kailanma’y aking hahalik-halikan. Pangako, pangako na ikaw lang ang aking reyna kailanman. Pangako na ikaw lang ang susuot ng koronang nagsasabi na akin ka lang at ako’y sa’yo lamang. Pero bakit ikaw mismo ang lumayo? Ayaw mo na ba sa ating mga pangako? Di mo na ba mapanindigan ang mga pangako o nawala na ang pagibig na ating diniligan.
Pampito, tayo ay magpiko. Heto na ako, ibabato ko na ang aking pamato, di ko alam kung saan ito pupunta at babagsak. Inilaan ko ang puso’t isip ko para sa larong ito. At ilalaan ko na din para sayo. Kung saan hindi na ako sigurado kung mahal mo pa ba ako o minahal mo na lang ako? Ako pa ba ang nagpapatibok ng iyong puso? Heto na, babagsak na ang bato, kagaya ng mga oras na nahuhulog ako sayo, at iyon ay araw-araw. Wala na, bumagsak na ang aking pamato. Sige nga. Sabihin mo sa akin. San ba ako bumagsak? Sa puso mo o sa kawalan kung saan di mo ako sinalo?
Pangwalo, tara, tayo’y magbahay-bahayan. Kung saan tayo’y mangangarap at magkukunwaring nabubuhay ng tayo’y magkasama. Nagmamahal kung saan gusto nating maging totoo pero hindi pala. Gusto nating maging totoo ngunit hindi pala. Di ko alam kung sumuko ka na ba o patuloy na lalaban pa? Matutupad pa ba ang ating mga pangarap na inaasam-asam. Ngayon sabihin mo, iyon pa din ba ang pangarap mo o nasira na ang pangako mo?
Pang-siyam, ano pa ba ang gusto mong laruin? Lahat na ng laro, nalaro na natin. Pati na ang puso’t-isip ko, iyong pinaglaruan na din. Na tila’y gulong-gulo at nararamdamang niloloko, pero eto ako… nananatili at nariyan lang sa tabi mo. Na kahit puso ko na lang ang mapunit, wag lang ang puso mo na tila’y ang iba kanilang minamaliit. Ay sige, maglaro tayo. Maglaro tayo ng Lawin at Sisiw, kung saan may mga ibang tao na pilit kang inaagaw, habang eto ako,sinisikap kang protektahan at pilit nilalayo sa panganib. Pero wala eh, nahuli ka nila. Kaya mahal, ako’y iyong patawarin dahil hindi pala sapat ang proteksyon na sayo ay aking iginawad.
At pangsampu, ako’y pagod na. Pagod na akong maglaro ng iyong mga laro na tila ako ang iyong laruan at patuloy mong pinaglalaruan. Pagod na pagod na ako na gawin mong saling pusa sa buhay mo. Na pakiwari ko’y may kalaro ka ng iba. Na tila’y minsan hindi mo na ako sineseryoso sa laro natin ng moro-moro. Na tila’y ako ay minsan mong binuburo. Kaya mahal ako’y pagod na. Pagod na akong isipin na may pake ka pa. Pagod na akong maglaro ng iyong mga laro na wala na ring silbi sa buhay ko dahil nandito ka nga, pero wala naman ang puso’t kaluluwa mo sa akin. Mahal, ayoko na.
Kaya sa oras na ito, ako’y hihiga at luluha. Sa bawat patak ng luha ko, iyun ang bilang ng mga oras na tinanong ko sa sarili ko ang mga katagang, “Mahal mo pa ba ako?” Dahil ngayon ang isa sa mga oras na yun. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang nagkulang o ikaw. Hindi ko alam kung sino ang sumuko o ikaw.Kaya sa oras na ito. Ako na lang ay magbibilang at iisipin ang mga laro na tila’y hinatulad ko sayo-satin. Yung mga oras na tayo ay tila masaya pa, na naglalaro na parang mga bata. Pero ang mga laro na yan ang naging dahilan ng aking pagluha.
Ang mga laro na iyan ang nagsilbing mga simbolo ng mga problema nating hinarap, hinaharap at haharapin. Sandali. Hindi na pala natin haharapin dahil ayaw ko ng makipaglaro.
Ngayon ako’y magbibilang na. Isa… Dalawa… Tatlo… Apat… Lima — Sandali ayoko pa. Sandali, pakiusap manatili ka. Sandali. HINDI! HINDI! HINDI! Parang mali na. Ako’y nasasaktan na. MAHAL, MAHAL NA MAHAL KITA. Anim… Pito… Walo… Siyam… Mahal, ngayon ako’y patapos na. Sana ikaw ay maging masaya na. Ako ay kalimutan mo na. Tanggalin mo na ako sa iyong isipan. Paalam Mahal… Sampu… Mahal na mahal kita!
Bakit ka seryoso? Eh, laro lamang ito!