Umahon sa pagkagumon: Ganap na Pagsuko

Umahon sa pagkagumon: Ganap na Pagsuko
(Survival From Drug Addiction: Total Surrender)

Ang pagsuko at pagyuko ay pagpapasakop. Ang mapagpakumbaba lamang ang may kakayahang gumawa nito. Dahil hindi sumusuko ang mapagmataas at maangas.

Uri ng Pagsuko:
1. Kusang loob at nais na talagang magbago at maging malaya sa bisyo;
2. Labag sa loob at nais lamang ipakita sa madla o batas na siya ay kunyaring sumusunod.

Alin ka dito?

Uri at epekto ng pagbabago:
1. Pansarili
a. Malaya
b. Masaya
2. Panlipunan
a. Maaasahan
b. Produktibo
c. Nagmamalasakit

Kung hindi ka ganito, sino ang niloloko mo?

May tanong ako:
Sino ba ang umiinom ng tubig kapag ikaw ay nauhaw?  Maaari ba akong uminom ng tubig para sa’yo upang mapatid ang uhaw mo?  Pag nawala o natighaw ang iyong pagkauhaw, sino ang naginhawahan, ikaw ba o ako?

Obviously, ang mga kaganapan sa sarili ay nagmumula sa sariling pagpapasiya o desisyon. Kung kaya naman, wasto ang pag-iwas at pagtatakwil sa bisyo. Mula sa desisyon na maging adik at pagkagumon sa bisyo, ikaw ngayon ay sumusuko; hindi dahil sa desisyon ng kapwa mo para sa’yo, kundi sarili mong paninindigan ito. Kung kaya naman, nakatitiyak ka, ikaw mismo ang magtatamasa nito. At kapag naging mabuti kang tao, magiging mabuti din ang lipunan na ginagalawan mo.

So, ano naman ngayon ang mga plano mo upang hindi na muling matukso at bumalik sa masamang bisyo? Paano mo mapapanatili ang tagumpay na ito?

Pagkatapos mong basahin ang mga talata kong ito, gumawa ka ng personal na Resolusyon. Mangako na patuloy mong tutugunan ang inaasahan sa’yo ng Inang Bayan. Mangako kang aalagaan mo ang iyong katawan bilang templo ng Lumikha sa’yo, at magpapatuloy sa pagtulong sa kapakanan ng ating mga Kababayan.

Bilang isa pang tagubilin, taglayin mo ang tatak ng isang ulirang tao:
• Isang malaya at hindi bilanggo ng bisyo;
• Isang pag-asa at hindi palaasa;
• Isang inspirasyon at hindi kunsumisyon;
• Isang halimbawa at hindi nagpapakita ng ugaling masagwa;
• Isang maka-Diyos at hindi  ang mga Drug Lord ang itinuturing na diyos.

Tandaan mo, ang pag-iwas ay hindi pagkaduwag. Sumusuko ka dahil iyan ang alam mong wasto; hindi dahil sumunod ka lamang pansamantala sa dikta ng ibang nguso. Mahal ka namin! Inaasahan ka ng INANG BAYAN!

oooOooo

Ligalisasyon ng Damo: Abangan ang Epekto
Tama ba na kapag hindi kayang sawatain ay isabatas? Di ba may kasabihan ang mga pantas na: “Not every legal is moral – Hindi lahat ng naisabatas ay mabuti o ayon sa kagandahang-asal.”

Hindi natin tinatawaran ang kakayahang mag-isip ng mga mambabatas na nagtulak upang maratipika ang ligalisasyon ng “damo” cannabis. Tiyak naman natin na dumaan sila sa mga paham o matalinong talakayan bago sila nakarating sa konklusyon na ang cannabis ay isa palang uri ng gamot.

Tumira din kaya muna sila at napatunayan na nakalulunas nga ito? May bulong-bulungan na ang damo daw ang mag-aahon sa nababayubay na ekonomiya ng Alberta. Kung ekonomiya ang usapin, hindi ito tumututok sa layuning gumamot sa pangkaramdamang pangkatawan upang panatilihin ang  kalusugan; kundi para lamang punuan ang kaban ng bayan. Sa makatuwid, ang mismong lipunan ang magkakaroon ng karamdaman.

May nakausap akong nagtatrabaho sa Nursing Home, binibigyan daw nila ang mga alaga nila ng “ihinatol na damo – prescribed marijuana” bilang pampamanhid o “pansamantalang lunas sa sakit – pain reliever.” Tuwing ika-tatlong oras ay pinapahithit nila ng damo upang tumaas ang tama at makatulog. Ang iba naman daw ay tawa ng tawa!

Ang ganda ng epekto: Dadami ang manhid, antukin, at masayahin din namang mga tao sa lupaing dinayuhan ko!
(Sinadya po ng may akda na sulatin ito sa ating sariling wika upang tumimo hindi lamang sa isip kundi sa kaibuturan ng ating puso’t kaluluwa bilang mga Pinoy).

oooOooo

Freedom of Expression: Freedom against Freedom.

Everybody’s opinion, points of view, and interpellation should be respected and given equal weight prior to making a decision. Awareness must be a proper tool in order to build a good foundation for a valid argument. Fallacy destroys the substance of the message.

One’s freedom must submit to a certain norm and parameter. As much as possible, your AFJ Editor and Publisher, have been trying to Mediate on the issues. Observing fair journalism. However, there are times, their personal preferences can be dominated by the rules of law.

Well, not everybody likes everybody in society. Some may even say: “That beggar is an eyesore to society; but what do you call the society that puts this beggar into that situation?” Similarly, when one’s lifestyle or business strategies don’t jibe with another person’s expectations, then, he would certainly be reprimanded or ostracized. Nevertheless, either of them has the right to defend one way or the other and by all means.

AFJ’s Stand: You Dispose; We Expose.
The Alberta Filipino Journal has neither defended nor abhorred any groups or individuals in here. Its team has just been informing the people about current and public affairs; helping them to investigate more, critically think, and discover the authenticity or credibility of the information presented.

Leave a reply

Your email address will not be published.