Karapatan Mo, Karapatan Ko Tungkulin Mo, Tungkulin Ko Pare-pareho Tayo

Karapatan Mo, Karapatan Ko Tungkulin Mo, Tungkulin Ko Pare-pareho Tayo


ni Jonabel Z. Cabasal
This poem is about what each of us can do to battle the pandemic. I was inspired to write this poem because I often hear people’s complaints regarding wearing masks. When I entered a store and noticed that the cashiers were not even sanitizing the debit machines after a customer used it, I had to remind them. It was a public place and if you notice the same, you have the right to remind them to sanitize in order to avoid the spread of germs and viruses. This is the so-called social responsibility.

Noong tayo’y nasa sinapupunan hanggang mundo’y masilayan
Sinimulang inalay ang mga tinatawag na “karapatan”
Parehong mga magulang tayo’y binigyan ng pangalan
Tayo rin ay inalagaan nang higit pa sa anumang yaman.

Gaano man kahirap ang buhay na kanilang tinamasa
Sina ama at ina sa ati’y nagsakripisyo at nag-aruga
Ang lahat ng mga pangangailangan ng mga anak ay inuna
Inalala mga karapatang alam nilang dapat nati’y matamasa.

Sa gulang na anim tayo’y dinala sa paaralan
Upang mabigyan ng sapat at nararapat na kaalaman
Edukasyong kailangan inihandog ng mga matitiyagang guro
Na sadyang kailangan upang ating mga pangarap ay matamo.

Mga batang Pilipino, karapatang alamin mga karapatan niyo
Mayaman man o mahirap, pakatandaan na lahat ay pareho
Kaya nga nama’y bawat batang Pilipino’y sadyang mapalad .
Mga karapatan, pamahalaan sa konstitusyon ay inilahad.

Sa likod ng mga karapatang inilaan ng mga maykapangyarihan
May mga tungkulin din tayong dapat magampanan
Panatilihing malusog ang pangangatawan, sarili ay alagaan
Huwag maging suwail o suliranin sa bayan o sa lipunan.

Kung tayo’y makikiisa at makikisama sa hangaring “kaunlaran”
Tiyak ating makakamit ang mga layuning pangkalahatan
Gumawa ng tama, pahalagahan ang kahusayan at karangalan
Huwag ipagwalang-bahala ang kinabukasan ng mga kabataan.

Mga mahal kong kababayang Pilipino saan mang sulok ng mundo Igalang mga karapatan ng kapwa mo at kapwa ko
Mga tungkulin natin gampanan ng buong puso
Mag-isang diwa, isang adhikain para sa matiwasay na pamayanang Pilipino.

Leave a reply

Your email address will not be published.