Ang daming tanong sa aking isipan kung bakit pinili kita. Hindi ko alam kung bakit sa iyong mga titig, puso ko’y pumintig. Hindi ko alam kung bakit, sa dinami-dami ng babae sa mundo, ikaw pa ang nasumpungan ko.
Maraming nagsasabi sa akin na ikaw ang “school crush” o “ang crush ng bayan,” paniwala naman ako. Ikaw nga talaga ay tunay na maganda. Wala akong alinlangan dahil type din naman kita. Di kataka-taka kung bakit pati sila ay nabibighani sa iyong ganda. Mahal na mahal kita.
Sa oras na ito, di ko na talaga alam kung anong laman ng isip ko; Kung dapat bang ako’y iyong iwanan o manatili sayo. Dahil pagkatapos kong isatitik ang tula kong ito, ako’y bibitiw na upang kalayaan mo’y makamit mo na.Kaya, pakiusap, magparamdam ka kung damdamin mo’y may halaga pa ba?
Ang sabi ng iba, dapat ka ng matuto upang bumitaw na. Kumapit sa nakasanayan upang bumalik ang sigla. Kumapit ka nga lamang sa tiyak mong mahal ka at mahal mo rind i ba. Pakiusap ko’y matuto ka. Matuto kang umayaw na.
Kung ito ma’y isang laro, ako’y aayaw na, uuwi sa aming bahay, huhugasan ang katawan at magpapahinga. Mahal, ayoko na. Kaya kung nababasa mo ito, mahal, ako’y bibitaw na. Ayaw kong magmukhang pusang balisa at asong ligaw na umaalma upang pansin ay makuha.
Bibitaw na nga ako, bibitaw na; tatanggapin na hindi na ako ang mahalmo di ba? At di na kaylanman mamahalin pa. Dahil alab ng apoy na nagbabaga sa iyong puso ay naglaho na.
Patuloy na sinasabi sa sarili na, “Pakiusap, matuto ka. Matuto ka dahil malamig na siya. Na wala na ang init ng kanyang mga yakap at pagsinta. Wala na ang tamis ng iyong mga halik. At wala na ang kilig na iyong nadarama tuwing ako ay iyong nakikita. Pakiusap, matuto ka.”
Ako’y gulong gulo. Sa pagitan ng mahal kita o minahal na lang ba kita. Ang hirap na. Ako’y hirap na hirap na. Kung saan hindi ko na alam ang ibig sabihin ng paalam dahil nakalimutan ko ng kalimutan ka. Ako’y nasa pagitan ng gyera ng itim at puti. Ng ulan at ng bahaghari.
Mahal, ako’y nahihirapan na. Subalit mahal pa kita. Mahal pakiusap magparamdam ka. Pero mula sa oras na ito, ako ay natuto na-natuto sa mga pagkakamali na aking ginawa sa iyo. Natutong bumitaw sa mga bagay na ang dulot ay sakit at kalungkutan lamang pala. Marapos matutong mahalin ka eh dusa’t pighati ang kasasapitan lamang pala.
Konting-konti na lang, tula ko’y patapos na; humuhulagpos na ang aking kamay upang tuluyan bumitaw na. Ang pag-ikot ng kamay ng orasan ay tuluyan ng hihinto dahil ang aking puso ay hihinto na rin sa pagkapit sayo. Mahal, paalam. Mahal, pakiusap. Mahal, patawarin mo ako. At mahal, bibitaw na ako.