Sariling Kultura Sariling Wika

Sariling Kultura Sariling Wika

Mga Mapagkukunan ng Impormasyon sa OH&S o Kalusugan at Kaligtasan sa Trabaho para Ibat-ibang Kalipunan ng mga Katutubong Kultura sa loob ng Hospitalidad, Pangangalaga sa Kalusugan, at Konstruksyon.

Isang proyekto ng United Cultures of Canada Association

Naisakatuparan sa Tulong ng:
Ministry of Labor, Innovation and Engagement Grants Program

Ang impormasyon na ito ay binuo bilang bahagi ng isang mas malawak na inisyatiba na isinagawa ng United Cultures of Canada Association na pinamagatang Sariling Kultura, Sariling Wika: OH & S Resource Information for Ethnocultural Communities with Hospitality, Healthcare and Construction. (Hanapin ang Kumpletong Impormasyon dito: http://www.ucca.ca/wordpress/#).
Ang layunin ng Information Sheet na ito ay ang pagbubuod ng mga pangunahing aspeto na may malawakang inisyatiba na naglalayong mapahusay ang kaalaman tungkol sa kultura ng kaligtasan(Safety Culture) ng Canada at tumutukoy sa mga manggagawa na ang unang wika ay hindi Ingles. Ito’s naglalayong tumulong na makapagbigay ng empowerment o kapangyarihan sa indibidual at mamamayan upang mapataas ang kamalayan at pakikilahok, naglalaan ng kumplikadong material, mga legal na termino, mga ideya at sistemang teknikal upang mapadali ang pag-iintindi habang tinatanggal ang ‘kultura ng katahimikan o “culture of silence”, ang hindi pag-imik dahil sa ibat-ibang kadahilanan at pangyayari.
Ito ay mapagkukunan ng pangunahing impormasyon na maaaring gamitin at ibahagi sa inyong pamilya, mga kaibigan, katrabaho, may-ari ng kumpanya o employer at mga empleyado, at binuo para sa mga indibidual o mamamayan na kung saan ang unang wika ay hindi Ingles at kinabibilangan ng mga:

• Manggagawang madaling maapektuhan o Vulnerable workers
• Baguhang manggagawa
• Bata o may-edad na manggagawa
• Kababaihan
• Baguhan sa industriya
• Baguhan sa Bansang-Canada
• Manggagawang umuwi o umalis ng bansa at muling nagbalik-trabaho saa Canada

Mga Paghamong Hinaharap ng mga Katutubong Kultura’t Komunidad
o Ethno-Cultural Communities

Ang kalakhan ng mga hamon na hinaharap ng mga baguhang manggagawa na nalulupon sa mga imigrante ay napakalawak, kadalasang naitatago at hindi nabibigyang pansin at may malawakang epekto sa pisikal, mental o pag-iisip at psycho-social na kagalingan ng mga komunidad – na humahantong sa mga mahinang kalusugan, pinsala at pagkamatay sa lugar ng trabaho.
Ang mga manggagawang migrante at imigrante ay napapabilang sa malaking bahagi ng mga “front-line”, “high-risk” o mapanganib at mataas na panganib o mahirap na trabaho. Ang mga manggagawang ito ay nahahanay sa mga may mapanganib na gawain at kadalasang walang sapat na pagsasanay at proteksyon. Sila din ay bulnerable o hindi napoprotektahan dahil sa mga sumusunod na dahilan ngunit hindi limitado sa:

-Hindi sapat na kaalaman sa wikang Ingles
-Pagkakaiba sa kultura
-Kulang sa kakayahan upang masanay sa sistema
-Kawalang-kakayahan upang makakuha ng impormasyon o suporta
-Kakulangan ng kaalaman sa Lehislatura at Pagtalima o Compliance
-Kakulangan ng kaalaman sa Occupational Health and Safety (OH & S)
-Kawalan ng kakayahan na maunawaan, magsanay o ipatupad ang Safe Work Practices at Safe Work Procedures
-Mga kapansanan sa isip (halimbawa: depression, pagkabalisa)
-Matinding pagtitiwala sa employer dahil nakasalalay ang immigration status o katayuan sa imigrasyon
-Dokumentasyon / Residency Status
-Dala-dalang nakasanayang kaugalian sa Safety (safety culture norms) mula sa pinanggalingang bansa
-Problemang pinansyal o suliranin sa pera
-Bullying o Harrassment o Panliligalig sa lugar ng trabaho.

Bakit mahalaga ang Kultura sa Kaligtasan ng Canada o Canadian Safety Culture para sa mga katutubong manggagawa na napapabilang sa Hospitality, Healthcare at Construction?

Ang mga trabahong “entry-level” o “front-line” sa tatlong pangunahing industriya ay kadalasang kinakatawan ng mga babae at lalaki, mga manggagawang ethno-kultural na ang unang wika ay hindi Ingles, mga “immigrant, bagong-dating na manggagawa, mga bata at matatandang manggagawa ay napapaloob sa industriyang ito.
Ang mga industriyang ito ay Konstruksiyon (na kung saan napapabilang ang mga “immigrant” o bagong-dating na kalalakihan), Healthcare o Pangangalagang Pangkalusugan/Continuing Care(karamihan ay kababaihan) at Hospitality (kapwa kababaihan at kalalakihan).
Ang mga manggagawa sa mga industriyang ito ay halu-halo o magkakaiba at nagmula sa ibatibang bahagi ng mundo at mga bansang kabilang ang: Africa, Caribbean, Mexico, South America, Asia, Philippines, Middle East o Gitnang-Silangan, India, Europa, atbp. Ang kanilang mga sariling wika, gaya nila ay magkakaiba din: Wikang-Africa, Espanyol, Pranses, Mandarin, Arabic, Filipino/Tagalog, Punjabi, Vietnamese at marami pang iba.

• Ang mga manggagawa mula sa mga bansa at kulturang binanggit kalimitan ay walang matibay na “safety legislations” at mahinang “safety culture” o kulturan pang-kaligtasan.
• Kalimitan, ang mga manggagawang ito ay pawang may pangamba na mawalan ng trabaho o hanapbuhay kung sakaling hindi man sila sumang-ayon sa kanilang superbisor o amo.
• Sila ay natatakot magsalita at tumanggap ng mga direksyon mula sa mga amo
• Dahil sa takot, ang mga taong nagmula sa mga bansa o kulturang nabanggit ay kalimitang inililihim na lamang ang saloobin imbes na magsalita, “hindi kamagtatanong at wala kang sasabihin”.
• Mas nanaisin pa nila na komunsulta at sumangguni sa mga katrabaho tungkol sa partikular na suliranin sa tao o trabaho, ngunit hindi makikipagusap sa amo, superbisor o sa labas ng kanilang grupo o mga pinagkakatiwalaang kaibigan.

Ang mga isyung-personal at isyu sa trabaho ay nagiging sanhi sa maraming isyung gaya ng problema sa kalusugan at trabaho na sa huli ay nakakaapekto sa kakayahang maghanap-buhay o mamuhay nang mabuti.

Samakatuwid, napakahalaga na kilalanin, maunawaan at malaman kung ano ang gagawin kapag marinig, makita at masubukan ang mga isyung OH & S sa personal na buhay sa mga lugar na pinagtatrabahuan.
Ang OH & S ay responsibilidad ng lahat – ng bawat empleyado at may-ari. Ang bawat manggagawa ay may sariling karapatan at responsibilidad.

Canadian Occupational Health & Safety (OH&S):
The Act, Regulation and Code

Tayo ay mapalad na manirahan at maghanapbuhay sa Canada na kung saan ang Canadian Federal, Provincial at Territorial Governments ay lumikha at nagpatupad ng Safety Act, Regulation at Code upang pangalagaan ang lahat ng manggagawa anuman ang “immigration status” at industriya.
– Ang “ACT” o BATAS: Ang Alberta Occupational Health and Safety (OHS) Act ay nagtatakda ng minimum na pamantayan para sa malusog at ligtas na mga gawi o “safe practices” sa mga lugar ng trabaho ng Alberta. Ang mga batas na ito ay ipinatutupad sa pamamagitan ng mga inspeksyon, mga pagsisiyasat o imbestigasyon, mga order, mga parusang administratibo, mga multa at paguusig o prosekusyon.
– Ang “REGULATION” o REGULASYON: Ang mga batas sa kalusugan at kaligtasan ng trabaho (OHS) ay inaasahan o kinakailangan na ang mga may-ari o “employer” at lahat ng iba pang mga partido sa lugar ng trabaho na kumonsulta at makipagtulungan sa pamamahala ng “workplace risks” upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa na maaaring mailagay sa panganib o “risks”.
– Ang “CODE” o KODIGO: Ang Occupational Health and Safety (OHS) ng Alberta ay responsable sa pagpapatupad ng mga batas ng OHS sa pamamagitan ng mga inspeksyon (Inspection), pagsisiyasat(Investigation) at pag-uusig(Prosecution). Ang batas ay nagtatatag ng minimum o pinakamababang pamantayan para sa mga ligtas at mabuting gawi sa mga lugar ng trabaho ng Alberta. Kabilang dito ang: OHS Act, Regulation at Code.
Mayroong labing-apat (14) na hurisdiksyon sa Canada, isang pederal (Federal), sampung panlalawigan (Provincial) at tatlong teritoryo (Territories). Ang bawat isa ay may sariling
“Occupational Health & Safety Legislation” na nagbabalangkas sa mga karapatan at mga responsibilidad ng mga Employer o May-ari, Management o Namamahala, Superbisor at Manggagawa.

Sumangguni sa Lehislasyon na nauukol sa iyong Lungsod, Lalawigan o Teritoryo kung saan ka nagtatrabaho at naninirahan.

Additional Resources

To download the pdf file, click here OCOL-Information Sheet (Tagalog Version)

Leave a reply

Your email address will not be published.