By Tim Lieu
Provincial election na sa Mayo 2019. Malalaman na kung sino ang magiging bagong Premier ng Alberta. Pero sa tingin ko, maski sino pa ang manalo, medyo mahihirapan pa rin makaahon ang Alberta. Dahil ang recession dito ay malalim na malalim na. Lubog sa utang at jobless. Wala ng consumer confidence at ang presyo ng langis world market controls, especially China and USA. Pati canola ng Canada ay di na binili ng China dahil gumanti sila sa pagkadakip ng Huawei CFO. Sa Amerika naman, di na binili ng China ang soybean sa Dakota bilang ganti kay Trump dahil sa 25 % tax sa mga produktong made in China. Resulta, lugmok ang Alberta.
Maraming mga Pinoy ang tulog pa din ang pag-iisip. Kawawa naman kase akala nila na ang Alberta na dati ay masagana, eh masagana pa din hanggang ngayon. Yong iba naman nating kababayan ay nagising; pero huli na. Lubog na sila sa utang. Nagising lang dahil na-lay-off sa oil and gas employers. Kaya ang pinaka-maganda, dapat sa tao eh alisto sa buhay at di padalus-dalos.
Ang buhay ay di kung anong meron ka. Madalas sabihin ng mga Pinoy: “Meron akong bahay at sasakyan.” Ngunit ang kalooban nila ay di masaya. Bakit? Dahil kung anong meron sila ay dugo at pawis ang pinuhunan nila. Bakit? Dahil sa pagbabayad ng interes sa mga inutang ay wala ng oras sa pamilya. May maganda ngang bahay, hindi na naman halos nauuwian.
Lumilipas ang panahon, kung anong meron sila ay nagluluma at nasisira din naman. Hindi na nila naisip: hindi na maibabalik ang oras na kanilang ginugol sa pagbabayad ng utang. Kadalasan, sa huli ang pagsisisi, kaya me salita na napasubo or di ko akalain ngunit huli na. Kaya, sana bago tayo gumawa ng desisyon magdasal muna tayo.