Sa aming mga ginigiliw na mambabasa at kababayan,, ilalarawan ko sa isang himig pamasko ang aking pagbabahagi. At nawa’y kapulutan ng munting paala-ala at aral sa kung ano nga ba ang diwa ng Pasko at sino nga ba ang bida sa okasyong ito. Atin pong awitin…
“Natanaw na sa Silangan
Ang Talang Patnubay
Ang Sanggol sa lupa’yisilang
Ng Birheng matimtiman,
Sa hamak na sabsaban.”
Naging sanggol ang Panginoong Hesukristo sa dalawang perspektibo ngunit iisa ang kadahilanan: Pang-unang perspektibo – Upang ipahayag sa atin ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagtubos (Salvific Mission); Pangalawang perspektibo – pagpapahayag ng kababaang-loob (Virtue of Humility). Na, ang sanhi o ugat ng lahat ay ang PAGMAMAHAL! Ito ang Diwa ng Pasko sa Teyolohikal na aspeto.
Sa mga OFW (Overseas Filipino Workers) o TFW (Temporary Foreign Workers), hindi lang nila sa silangan natatanaw ang tala ng patnubay; dumadako din sila sa timog, hilaga, at kanluran para hanapin ang Tala na nagtuturo upang tahakin ang bagong landas patungo sa pagpapaunlad ng kabuhayan. Umaalis ang isang tao sa ating sariling bansa at pumupunta sa ibayong-dagat sa layunin nilang tubusin sa kahirapan ang kanilang mga minamahal sa buhay.
Masakit sa kalooban ang mapahiwalay sa pamilya. Subalit, kailangang isakripisyo ang sariling buhay at kaligayahan para sa kapakanan ng mga minamahal. Kailangan nilang magpakumbaba upang tanggapin na sila ay magiging utusan lamang ng kanilang mga amo sa bansang kanilang pinuntahan.
Para naman sa pamilyang iniwanan nilang pansamantala sa Pilipinas, nadarama nila ang pasko sa tuwinang matatanggap nila ang ipinadadalang pera mula sa kanilang tatay, nanay, ate, kuya, at anak.Tila baga, araw-araw ay nagiging Paskong lagi. Hindi naman lahat, ang pagtanggap ng padala ang Diwang Pasko para sa kanila!
Kagaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang mga manggagawa sa ibayong dagat ay tumutubos sa pamamagitan ng paghabanap-buhay at nagpapahayag din naman ng kababaang-loob sa pamamagitan ng pag papaalila sa ibang tao habang malayo pa sa mga minamahal. Iisa lamang ang kadahilanan—at iyon ay ang PAGMAMAHAL. Doon at dito, ito ang DIWA NG PASKO!
MASAGANANG PAG SASALU-SALO PARA SA DIWA NG PASKO!
—————000—————-
To our English Readers,
I don’t want you to be deprived of your right to understand what I’ve written above. That is why, a portion, yet a better implication for your satisfaction, I will provide concerning THE CHRISTMAS ESSENCE: Here, There, and Everywhere.
First Message: “Whatever you do to the least of your brother, you do it to me.” (Matthew 25:40)
Second Message: “Love one another as I have loved you.” (John 13:34)
Third Message: “Unless you acquire the heart of a child, you cannot enter into the Kingdom of Heaven.” (Matthew 18:3)
May the comforting love of the Child Jesus bring you more blessings and inner peace during the Season and throughout the New Year!