Isinungkit kita ng mga Bituin

Isinungkit kita ng mga Bituin


Isinungkit kita ng mga bituin pero ang pinili mo ay ang buwan. Ang daming tanong sa aking isipan kung bakit mo ako iniwan.

Kung ako ba ay di sapat?
Kung bakit ka nalingat.
Di naman kita pinabayaan nung ika’y nilagnat.
Di naman kita iniwan sa gitna ng gubat.
Ginamot ko naman ang iyong mga sugat.
Nandun naman ako nung kinailangan mo ng balikat para iyong iyakan.
Niyakap ka nung bumabagyo dahil ika’y takot sa kidlat.
Mahal, patawad dahil ako’y hindi sapat.
Dahil lahat ng iyon ay di sapat.

Nagsimula ang lahat sa ating mga usapan.
Kung saan ako’y tinanong mo kung ako’y kumain na ba
At ang sagot ko “oo, ikaw ba?”
Sinabihan mo ako ng magandang umaga.
Dahil oo, gumaganda ang aking mga umaga kapag ikaw ang kasama.
Sa paglipas ng maghapon gusto ikaw ang kasama kahit umulan.
Kahit magkaroon ng sipon at madulas sa ating dinaraanan.
Kahit mapadpad kung saan
Basta kasama kita, aking oras ay sa iyo lamang ilalaan.

Mahal, mahal na mahal kita.
Kung saan ang nakikita ko na lang ay ang iyong mga mata.
Ang iyong mata na tila’y ako’y naliligaw.
Naligaw sa gitna ng gubat kung saan ako’y mag-isa at nilamig.
Kung saan di mo man lang ako hinanap, kaya aking tinanong sa sarili kung bakit.
Sinubukan ko naman sungkitin ang mga bituin, ngunit nung ako’y sumabit,
May iba na palang may-ari ng iyong puso, at ika’y tuluyan ng naakit.

Isinungkit kita ng mga bituin
Ngunit may mas mataas pa pala sa bituin at iyon ang langit.
Kung saan laging may mas mataas kesa sa akin.
Tiniyak kong lahat na ang aking ginawa ay para sa mga bituin.
Mahal, gusto ko lang na malaman mo na ang lahat ay ginawa ko.
Na ang lahat ay aking isinakripisyo para lang mapasaya ang puso mo.
Lahat naman ginawa ko pero bakit ka lumisan?
Kung bakit mas pinili mo ang kabilang daan;
kaysa sa ating mga pangarap.
Kung saan ako’y iyong iniwan,
Ngayon ako’y naghihirap.
Mahal, sinungkit ko naman ang mga bituin kahit ako’y mapadpad na sa kawalan.
Pero mahal, ganon ba ako kapalit-palit para lang iwanan mo at piliin ang buwan?

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *